Matthew 26:31-35

Sinabi ni Jesus na Ikakaila Siya ni Pedro

(Mar. 14:27-31; Luc. 22:31-34; Juan 13:36-38)

31Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Iiwan ninyo akong lahat ngayong gabi, dahil sinabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magsisipangalat ang mga tupa.’
Zac. 13:7.
32Ngunit pagkatapos na mabuhay akong muli, mauuna ako sa inyo sa Galilea.” 33Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Kahit iwanan kayo ng lahat, hinding-hindi ko po kayo iiwan.” 34Sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” 35Sinabi ni Pedro, “Hinding-hindi ko po kayo ikakaila, kahit na patayin pa akong kasama ninyo.” At ganoon din ang sinabi ng iba pang mga tagasunod.

Copyright information for TglASD